Home IN PHOTOS Boss ni Mayo, pina-contempt ng Senado sa P6.7B shabu haul cover-up

Boss ni Mayo, pina-contempt ng Senado sa P6.7B shabu haul cover-up

392
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Committee on Public Order, and Dengerous Drugs na ipa-contempt si National Capital Region (NCR) Drug Enforcement (DEG) Officer-In-Charge Lt. Col. Arnulfo Ibañez.

Si Ibañez ay kasama sa mga pulis na iniimbestigahan ng Senado tungkol sa 990 kilo ng shabu na nakuha sa loob ng lending company na pag-aari ni Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.

Si Mayo ay bata ni Ibañez sa Police Drug Enforcement Group (PDEG). Si Ibañez ang mismong nag-recruit kay Mayo para maging tauhan niya sa PDEG.

Kasabay ng pagdinig ng Senado, ikinagalit ni Senador Raffy TUlfo ang tila pagtatanga-tangahan ni Ibanez sa mga katanungan nito bilang depensa sa ipinaparatang laban sa kanya.

Advertisement

Dahil dito ay hiniling ng senador kay Dela Rosa na i-cite for contempt ang opisyal ora mismo.

Kasunod nito, nagbigay ng babala si Tulfo sa lahat ng mga pulis na wala siyang ibi-baby, kahit pulis man at mataas ang ranggo kapag nagsinungaling sa Senado ay makakatikim ng pagkakakulong.

Dagdag pa niya, kung kaya ng mga pulis na magpakulong ng mga maliliit na suspek na sa palagay nila ay nagsisinungaling sa kanilang ginagawang imbestigasyon, ngayon, makakatikim din sila ng pagkakakulong dahil sa kanilang kasinungalingan.

Si Ibañez at anim pa niyang mga kasamahang pulis ay kasalukuyang nakakulong sa Senate detention cell. RNT

Previous articleDelivery ng bivalent COVID vax sa bansa, muling naantala
Next articlePCG naghahanda na sa paparating na Bagyong Mawar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here