Manila, Philippines – Wala na talagang imposible ngayon sa local showbiz.
Sino’ng mag-aakalang imposibleng magkaroon ng collaboration sina Bossing Vic Sotto at Kim Chiu?
Lest we forget, magkatapat ang kanilang mga pananghaliang programa: ang E.A.T. sa TV5 at It’s Showtime sa GTV.
But their collab saw the light of day via Kim’s YouTube channel.
Isang very engaging, light conversation ‘yon with Kim interviewing Bossing Vic.
Curious, tinanong ni Kim kung binalak ba ni Bossing na pumalaot sa pulitika.
Ani Vic, even before his elder brother Tito Sotto took the political plunge ay marami nang nag-aalok sa kanya.
But Bossing has always stood his ground: puwede naman daw makatulong sa tao without necessarily being a public servant.
Napag-usapan din nila si Tali, Bossing’s daughter with Pauleen Luna.
Hirit ni Kim, what trait does Bossing want Tali to possess?
Sagot naman ni Vic, sana raw ay maging patient o pasensyosa ang anak.
Lahat naman daw kasi ng mga minimithi natin sa buhay ay depende kung gaano tayo ka-patient kung kailan natin maisasakatuparan ‘yon.
Sa bandang huli, sinabi ni Kim na bagama’t unang beses pa lang daw niya makatsikahan si Bossing, it made her feel as if they’ve known each other for so long.
Ang inaabangan naman ay kung kailan ang “payback time” ni Kim as in her guesting on E.A.T. o sa sitcom ni Bossing sa GMA.