Home ENTERTAINMENT Bossing, lalayasan na ang GMA!

Bossing, lalayasan na ang GMA!

Manila, Philippines – Sad news para sa mga tumatangkilik ng sitcom ni Bossing Vic Sotto na Open 24/7 sa GMA.

Tatapusin na lang kasi ito to give way to the TV host-comedian’s new show.

Sorry sa mga umaasang sa GMA pa rin ‘yon mapapanood dahil tulad ng E.A.T., sa TV5 din ang magiging tahanan nito.

At dahil GMA has nothing to do with it anymore, ang MediaQuest Ventures ng TV5 ang ka-collaborate ng M-Zet TV Productions owned by Bossing Vic.

Ayon sa balita, ang magging pamagat nito’y Mana Mana.

Masaya ngang ibinalita ng direktor na si Chris Martinez sa kanyang social media account na: “An all-new, all-out show coming in 2024!”

Obyus na siya rin will helm the sitcom.

Sa totoo lang, multi-faceted si direk

Chris who can slay projects of whatever genre.

Mas pamilyar nga lang kami sa kanyang directorial projects sa pelikula.

Direk Chris was the brilliant mind behind the remake of the classic Temptation Island, ang light drama na 100 tampok si Mylene Dizon, among others.

May mga nagsa-suggest na i-cast daw sana sa Mana Mana ang real-life couple na sina Maine Mendoza at Quezon City Representative Arjo Atayde.

Matatandaang ang sitcom ni Bossing sa GMA before Open 24/7 with Maja Salvador starred Maine, ang Daddy’s Gurl.

May mga nagmumungkahi ring kunin ni Bossing to play an important part in Mana Mana ay si Atasha Muhlach.

Ito’y para mabigyan naman daw ito ng pagkakataon to display her comedic talent aside from hosting.

Medyo nakakalungkot lang ang kinahinatnan ng business relationship between Bossing and GMA.

It occurs to anyone kasi that Bossing Vic has burned bridges with the TV network which had been home to Eat Bulaga for a couple of years. Ronnie Carrasco III

Previous articlePBBM nasa Los Angeles na para sa working visit
Next article2 Pinoy galing West Bank ng Israel tumawid sa Jordan