Home ENTERTAINMENT Bossing, tahimik kung sasali sa MMFF 2024!

Bossing, tahimik kung sasali sa MMFF 2024!

Manila, Philippines – Sapat na ang kabuuang kinita ng 49th Metro Manila Film Festival last year para maengganyo ang mga “sleeping dragons” na lumahok sa darating na December.

Bagama’t hindi pa ini-release ang breakdown ng mga kinita ng sampung opisyal na kalahok ay pumalo na sa P1.069 billion ang overall gross nito.

Of the top 5 entries, nakapasok sa ikalimang puwesto ang Family of Two nina Sharon Cuneta at Alden Richards.

Na-dislodge ang When I Met You in Tokyo which won for Vilma Santos the Best Actress trophy sa Gabi ng Parangal, two days after all 10 entries opened in cinemas.

Dahil nga sa tagumpay nito, ang mga namahinga muna ng nakaraang festival ay “gising” na.

For many years, laging suki sina Vic Sotto, Coco Martin at Vice Ganda.

There was one year when Vice Ganda and Coco joined forces pero kadalasa’y may mga individual o respective entries sila.

Vic, on the other hand, has consistently opted to go solo.

Sa ika-50 MMFF, expect Coco and Vice Ganda to field their respective movies.

Balitang may nilulutong partnership between Coco and Alden Richards.

May collab din sina Vice Ganda at Michael V.

Maugong din ang tsikang in the running uli si Bong Revilla to partner with Sharon Cuneta.

Bagama’t maaga pa naman, ang “nawawalang” si Bossing Vic ay baka may inihahanda ring sorpresa.

Nag-set nga ng precedent ang nakaraang festival kaya mas mataas ang expectations sa MMFF lalo’t golden year nito sa taong ito.

Ma-address na rin kaya ang collective concern tungkol sa walang habas na pamimirata? Ronnie Carrasco III

Previous articleMga residente ng BARMM hinimok na bumoto sa 2025 parliamentary elections
Next articleMark Tuan ng GOT7 nasa Pilipinas na para sa “The Other Side” concert!