Home ENTERTAINMENT Boy Abunda, naging patas sa inirereklamo sa CIA with BA!

Boy Abunda, naging patas sa inirereklamo sa CIA with BA!

Manila, Philippines – Once again ay pinamalas ng King of Talk ang kanyang pagiging patas sa public service program ng GMA7 na CIA with BA

nang sinabi niyang patuloy na bukas ang programa para sa panig ng kabilang partido.

Sa segment kasi na ‘Payong Kapatid’ sa last episode, dumulog ang magkasintahan na sina Michelle and Jonalyn upang humingi ng tulong sa kung ano ang kanilang dapat gawin pagkatapos makaranas ng pambubugbog mula sa binilhan nila ng lupa.

Nangyari ang insidente matapos nilang malaman na mayroon pa palang orihinal na may-ari ang lupa at ninais na nilang bawiin ang kanilang naibayad.

Ayon sa dalawa, nailahad na rin nila sa kanilang barangay ang pangyayari ngunit lumapit pa rin sila sa programa para kumpirmahin ang kanilang susunod na galaw, lalo na sa paghahain ng kaso dahil sa kanilang dinanas.

“Ang barangay ay may jurisdiction kung pareho kayong taga-roon,” paliwanag ni Alan Peter Cayetano.

“Secondly, ‘yung conciliation kung tawagin or, I don’t mean it in a negative way, in a positive way ‘yung pag-aaregluhan [o] pakikipag-ayos. ‘Yan ay kailangang mag-agree lahat ng parties,” pagpapatuloy pa niya.

“Pangatlo, pag mayroon kayong agreement sa barangay, hindi na kayo pupunta sa korte,” aniya.

Kwento pa nina Michelle and Jonalyn, hindi sila makakilos nang maayos dahil kailangan nilang magpa-check up sa doktor at magpagamot, na siya ring payo ni Kuya Alan na kanilang unahin.

“Nakakalungkot ‘no? Imagine kung nagka-kontratahan tayo tapos nauwi sa sakitan? Ang sakit,” saad ni Senador Pia.

“But that’s our job — to dissect kung ano ‘yung dapat gawin. At ‘yung sinasabi nga natin, ‘yung kapakanan ng nag-complain, magpatingin sa doktor dahil baka naman may physical na talagang kailangan ipa-check.”

“I’m so happy na nagtiwala sila to come to us because naging source of information tayo,” ani-Pia bilang panapos.

Ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at Boy ay napapanood tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7. JP Ignacio

Previous articleNadine at Kathryn, bet pagsamahin ni Ate Vi!
Next articleTalong ni mister, pinutol ni misis sa Peru