Home ENTERTAINMENT Boyet, hindi na-nominate as best actor, kinuwestyon!

Boyet, hindi na-nominate as best actor, kinuwestyon!

Manila, Philippines – Tulad ng alam ng lahat, nag-tie sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes sa Best Actor category sa first ever MIFF na ginanap kamakallan sa Los Angeles, California.

Piolo won for his multiple roles in Mallari, samantalang si Dingdong para sa Rewind.

Bagama’t tanggap ng nakararami na sila ang tinanghal na Best Actor, pumalag naman ang producer at dating GMA executive na si Redgie Magno.

Siya ang producer ng When I Met You in Tokyo which won for Vilma Santos her Best Actress awards in MMFF and MIFF.

Partikular na kinuwestyon ni Magno ang pagkakaisnab kay Christopher, ayon sa kanyang social media post nitong February 4.

Inayos pa mandin ng senior actor ang kanyang schedule para makadalo sa event.

Tinawag ni Magno ang “nomination snub” kay Boyet (palayaw ng aktor) na “disrespectful, wicked and disgusting.”

Pinagpapaliwanag ni Magno ang dahilan kung bakit ito nangyari.

Gayunpaman, hindi kinuwestyon ni Magno sina Pascual at Dantes na kapwa mahusay na aktor sa kanilang pagganap in their respective films.

Kagyat namang nabasa ni Lolit Solis ang rant ni Magno.

Si Lolit ang manager ni Boyet.

Sang-ayon ang veteran manager sa post ni Magno.

Pero ani Lolit, tiyak daw na pinagtatawanan lang daw ng kanyang alaga ang nangyari.

Tiniyak pa ni Lolit na walang sinumang maaaring umagaw sa trono ni Christopher bilang Drama King.

While Magno’s sentiments are valid, this cannot be said of Lolit’s assertion.

In the first place, walang umaagaw sa trono ng kanyang alaga.

Tiyak na secure na secure si Christopher de Leon sa kanyang kinalalagyan. Ronnie Carrasco III

Previous articlePNP Reform Bill lusot sa final reading ng Senado
Next articlePerformance review ng presidential appointees nilinaw ng PCO