Boyet, nakalabas na ng ospital

Boyet, nakalabas na ng ospital

March 25, 2020 @ 3:14 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — Nakalabas na ng ospital ang batikang aktor na si Christopher de Leon matapos itong ma-confine dahil sa COVID-19.

 

Sa kanyang mga Instagram Stories, ipinost ng kanyang maybahay na si Sandy Andolong ang litrato ni Boyet na pababa ng van habang nakasuot ng face mask.

 

“He is finally home,” aniya kung saan nagpasalamat din ito sa medical team na nag-alaga sa mister.

 

Sinundan ito ni Sandy ng isang litrato ng kanilang pamila sa isang video conference call, kung saan ipinapakita rito na naka-quarantine pa rin si Boyet matapos ang pananatili nito sa ospital.

 

Kabilang si Christopher sa mga personalidad tinamaan ng COVID-19. Nitong Marso 17, kinumpirma niya sa Instagram na mayroon itong sakit sa kabila ng hindi pagkakaroon nito ng travel history o contact sa mga taong may COVID-19.

 

Nakiusap rin siya sa mga taong nakasalamuha niya na magpa-quarantine at makipagtulungan sa mga awtoridad. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Loading...