Home NATIONWIDE Boying sa balitang nasa ICU: Kalokohan

Boying sa balitang nasa ICU: Kalokohan

MANILA, Philippines – Humarap na sa media kanina si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos ang mahigit isang buwang pagliban sa pagpasok sa Department of Justice.

Sa press briefing, mariing itinanggi ng kalihim ang mga ulat na siya ay isinugod sa ICU dahil sa inatake sa puso.

Ayon sa Kalihim, pinayuhan siya ng doktor na kailangan niyang magpahinga.

Binanggit ni Remulla na hindi kaila sa lahat na matapos siyang maoperahan ay agad siyang sumabak sa trabaho.

“And it takes its toll on my body,” pag-amin ng Kalihim.

Katunayan aniya, ay kaya niyang tumayo sa loob ng apat na oras.

Dinagdag din ng kalihim na apat na buwan na matapos siyang maoperahan ay gusto niyang makita ang kanyang duktor upang magpasuri.

At iyon nga ang nangyari, alinsunod na rin aniya sa payo ng duktor kailangan niyang magpahinga.

Binanggit din ni Remulla ang naturang ulat ay kalokohan at isang political propaganda lamang ng mga desperadong indibidual. Teresa Tavares

Previous article2 suspek sa pagdukot sa 6 Tsino sa Alabang, iniharap sa DOJ
Next article521 pang Pinoy sapul ng COVID