Home METRO Boyscout delegates, binayo ng ulan sa campsite, inilikas

Boyscout delegates, binayo ng ulan sa campsite, inilikas

293
0

Bulacan – Pinasalamatan ng mga kaanak ang mabilis na paglikas ng mga awtoridad sa grupo ng Boyscout delegates mula sa bayan ng Bulakan na kabilang sa binayo ng ulan sa camping site sa bayan ng Norzagaray nitong Huwebes, Mayo 25.

Ayon kay Konsehal Benjo Cruz, pinasalamatan nila si Bulakan Mayor Vergel Meneses at Dr. Rey Gloria sa mabilis na pagresponde ng MDRRMO rescuers at Bulakan PNP sa mga delegado.

Aniya, lumakas ang ulan na umano’y umabot sa camping site kaya kailangan ilikas ang mga bata para sa kanilang kaligtasan at ito’y isinaprayoridad ng Bulakan LGU.

Sinaluduhan niya ang lahat ng mga guro at mga tauhan ng paaralan sa pagsama at paggabay sa mga bata upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Dick Mirasol

Previous articleMga magsasaka sa Tarlac, tumanggap ng P4.2M makinarya
Next articlePalawan, Visayas, Zambo, N. Mindanao, Caraga babayuhin ni #BettyPh

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here