Home NATIONWIDE BrahMos missiles mula India, malapit nang maihatid sa Pilipinas – envoy

BrahMos missiles mula India, malapit nang maihatid sa Pilipinas – envoy

MANILA, Philippines – Malapit nang ihatid ng India ang BrahMos cruise missiles sa Pilipinas bilang bahagi ng purchase agreement na pinirmahan noong 2022.

“We are working towards the earliest possible arrival; I don’t have a timeline at this moment, but it’s going to be soon,” pahayag ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran.

Noong Enero 2022, sa ilalim ng Duterte administration, ay pinirmahan ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang kontrata sa pagbili ng shore-based anti-ship missile system na nagkakahalaga ng P18.9 billion.

Ani Lorenzana nang panahong iyon na ang “BrahMos missiles will provide deterrence against any attempt to undermine our sovereignty and sovereign rights, especially in the West Philippine Sea.”

Sa kanyang speech sa Republic Day celebration ng India, iginiit ni Kumaran na ang kanyang bansa ay sumusuporta sa Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea.

“India stands shoulder to shoulder with our Filipino friends in working towards a shared objective of a peaceful and stable Indo-Pacific. We have and will continue to support each other in multilateral forums. We reject coercion and intimidation,” ayon kay Kumaran.

Dagdag pa niya, ang INS Kadmatt, isa sa anti-submarine warfare corvettes ng Indian Navy, ay nakahanda na tumulong sa pagpapabuti ng maritime defense capability ng Pilipinas.

Ani Kumaran, handa rin na magsagawa ng conduct joint patrols ang India kasama ang Philippine Navy at iba pang bansa.

“We have extensive training cooperation. We would like to see joint exercises between our navies. We hope that can happen soon,” aniya.

Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na maliban sa usapin ng depensa, malakas din ang ugnayan ng Pilipinas at India sa ekonomiya, kalakalan, investment at kultura. RNT/JGC

Previous articlePanalangin ni Imee: Pangulo, ilayo mula sa mga demonyo
Next articlePamahalaan hinimok sa rehabilitasyon, post-El Niño interventions