Home HEALTH Brain chip tinesting sa tao

Brain chip tinesting sa tao

MANILA, Philippines- Inihayag ni Elon Musk, bilyonaryong founder ng Neuralink, na nakatanggap ang unang tao ng implant mula sa brain-chip startup nitong Linggo at nasa mabuting kalagayan, ayon sa social media platform X nitong Lunes.

Binigyan ng clearance ng US Food and Drug Administration ang kompanya noong nakaraang taon upang isagawa ang unang trial upang subukan ang iimplant sa mga tao.

“The first @Neuralink product is called Telepathy,” dagdag ni Musk.

Bubusisiin nito ang interface na magbibigay-daan upang makontrol ng mga taong may quadriplegia ang mga device gamit ang kanilang isip, base sa website ng kompanya.

Hindi agad nagbigay ng detalye ang Neuralink ukol sa ulat. RNT/SA

Previous articlePanukalang Equality Bill ipasa na – grupo
Next articleKumpirmado: Echo at Kim, hiwalay na!