Home NATIONWIDE Brawner, 29 pang AFP official lusot sa CA

Brawner, 29 pang AFP official lusot sa CA

277
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkules ang mga ad interim appointment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff, Gen. Romeo Brawner Jr., at 29 pang opisyal ng AFP.

Ito ay matapos na mapatunayan ni Rep. Jurdin Romualdo, na namumuno sa CA Committee on National Defense, sa plenaryo na ang mga opisyal ng militar ay karapat-dapat at kuwalipikadong ma-promote sa kanilang mga hanay, partikular na binanggit ang background ni Brawner.

“It is my honor and privilege to recommend the confirmation of the ad interim appointment of Romeo S. Brawner Jr. to the rank of General. Gen. Brawner is a proud descendant of a long line of military men and is committed to continuing a legacy of service and sacrifice of his ancestors,” ani Romualdo.

Sa panahon ng deliberasyon ng CA panel, ibinahagi ni Brawner ang kanyang pananaw para sa AFP na maging mas modernisado at suportado ng isang ganap na sinanay at binuo na Reserve Force.

“Ang ating mga sundalo ay bihasa, lalo na sa modernong armas at moderno tayo sa mga doktrina, pagsasanay at armas. Pero higit sa lahat, kelangan po natin ng developed na Reserve Force,” aniya.

Si Brawner ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang AFP Chief-of-Staff noong Hulyo 21 matapos magsilbi bilang 65th Commanding General ng Philippine Army mula Disyembre 10, 2021 hanggang Hulyo 21, 2023.

Isang ipinagmamalaking miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class ng 1989, si Brawner ay nagtapos ng salutatorian sa kanyang klase at nakakuha din ng pinakamataas na antas ng kahusayan sa kanyang pag-aaral sa militar. RNT

Previous articleP189-M pananim winasak ni Goring
Next articlePagtatag ng Dept. of Water oks sa 2 house panel

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here