Home METRO Brgy. kagawad, 2 pang tauhan huli sa pagbebenta ng nakaw na baka

Brgy. kagawad, 2 pang tauhan huli sa pagbebenta ng nakaw na baka

338
0

NUEVA VIZCAYA-Huli ang isang Barangay Kagawad kasama ang dalawang tauhan nito matapos magbenta ng nakaw na mag-inang baka sa Barangay Mabasa, Dupax Del Norte probinsya ng Nueva Vizcaya.

Kinilala ang barangay kagawad na naaresto na si Danilo Ochona, 67-anyos habang ang dalawang tauhan naman nito ay sina Reylan Dela Cruz, 38-anyos at Allan Libunao, 43-anyos na pawang mga residente rin sa nasabing lugar.

Habang ang may-ari ng mag-inang baka ay si Romulo Dela Cruz, 72-anyos na residente rin sa naturang lugar.

Nawala umano ang kanyang mag-inang baka sa mismong pinagpastulan nito.

Habang hinahanap ng kanyang anak ang nawawalang baka ay may nakita umano itong isang sasakyan na may lamang baka na kamukha ng kanilang mga alaga.

Pinara nito ang nasabing sasakyan at nakumpirma na ito ang kanilang nawawalang mag-inang alagang mga baka.

Advertisement

Kaugnay dito, nang malaman naman ng buyer na si Jerome Hernandez na nakaw pala ang kanyang nabiling mag-inang baka na nagkakahalaga ng P60,000 mula sa tatlong suspek ay agad silang nagsumbong sa PNP Dupax Del Norte upang mahuli ang mga suspek.

Agad naman nagkasa ng hot pursuit operation ang PNP Dupax Del Norte na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek.

Ayon sa salaysay ng mga suspek, lagi umanong sinisira ng baka ni Dela Cruz ang kanilang pananim na palay kaya nagawa nila itong ibenta.

Nahaharap ngayon sa kasong may paglabag sa Presidential Decree 533 o Anti-Cattle Rustling law ang tatlong suspek. Rey Velasco

Previous articleHaponesa, ‘di makabayad ng renta sa unit, nagbigti
Next articleWorld Day of Social Communications, suportahan! – CBCP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here