Home NATIONWIDE Bribery conviction ‘di makaaapekto sa trabaho bilang senador – Jinggoy

Bribery conviction ‘di makaaapekto sa trabaho bilang senador – Jinggoy

(c) Danny Querubin l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na hindi makakaapekto sa kanyang trabaho bilang senador ang conviction sa bribery case laban sa kanya ng Sandiganbayan.

Sinabi ni Estrada, sa isang panayam sa Radio DWIZ, na sa kanyang pag-aalala, hindi pa pinal at executory ang ruling ng anti-graft court.

“Hindi pa naman final and executory yung ruling ng Sandiganbayan. Marami pang mga remedyo na magagamit para sa akin. Katulad ng motion for reconsideration, kung kinakailangan, pwede pang umakyat sa Korte Suprema,” ani Estrada.

“So hindi makakaapekto ito. Ipagpapatuloy ko pa rin yung aking trabaho bilang senador. At syempre yung mandato na binigay sa akin ng taombayan” dagdag pa niya.

Noong Biyernes, hinatulan ng Sandiganbayan’s Fifth Division si Estrada ng isang count ng direct at two counts ng indirect bribery ngunit pinawalang-sala siya sa plunder kaugnay ng pagkakasangkot niya sa tinatawag na pork barrel fund scam.

Tuwang-tuwa si Estrada sa kanyang pag-absuwelto sa mga kasong plunder at nangakong ubusin ang lahat ng legal na paraan para malinis ang kanyang pangalan sa mga kasong panunuhol.

Gayunpaman, sinabi ni Estrada na siya at ang kanyang legal team ay maghahain ng motion for reconsideration para matiyak ang kanyang acquittal sa mga kasong bribery. RNT

Previous articleMTPB sa truck operators: Dumaan lang sa lansangang inilaan sa Maynila
Next articlePinay na naaresto sa Tokyo tutulungan ng DMW