Home NATIONWIDE BSKE 2023 inaasahang magiging mainit; election hotspot list ilalabas

BSKE 2023 inaasahang magiging mainit; election hotspot list ilalabas

335
0

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, Agosto 28, na naghahanda ito para sa “mainit” na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, asahan nang magiging napakainit ang labanan sapagkat napakahaba ng termino noong bakaraang Barangay at SK officials at nakailang postpone ang halalan kaya asahan nang medyo mas mainit.

Sinabi ni Garcia na ang antas ng posibleng tensyon ay nakadepende sa kung sino ang tatakbo sa partikular na posisyon.

Samantala, sinabi ni Garcia na hindi pa ibinibigay kung ano-ano ang 27 lugar na nasa ilalim ng ‘Red ‘category at pwedeng ilagay under Comelec control.

Paliwanag ng opisyal, ang nasabing mag lugar ay matatagpuan sa Regions 5 ,6 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. Partikular ding binanggit ni Garcia ang Negros Oriental at ilang lugar sa Northern Luzon.

Ayon pa kay Garcia, ang 27 lugar na ito ay kumbinasyon ng probinsya, lungsod at munisipalidad.

Isasapubliko naman aniya ito sa sandaling maibigay sa kanila ng Philippine National Police (PNP) ang listahan.

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na ikinatutuwa ng Comelec ang pagdagsa ng mga aspirante sa iba’t ibang lugar para maghain ng kanilang COC sa unang araw.

“Isa lang ang ibig sabihin niyan, at least po, sa ating mga kababayan, asahan po ninyo na makakapamili kayo ng as maayos para sa ating mga barangay .

Ang COC filling ay hanggang Sept. 2 at ang halalan ay idadaos sa Oct. 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSimbahan tutulong sa pagsugpo ng TB, HIV
Next articleMost wanted na mangingisda, nalambat sa Navotas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here