Home HOME BANNER STORY BSKE bet itinumba sa Abra, 122 iba pa umatras sa kandidatura –...

BSKE bet itinumba sa Abra, 122 iba pa umatras sa kandidatura – Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na isang kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) ang napatay sa Bucay, Abra, ayon sa natanggap na ulat ng komisyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tumatakbong barangay councilor ang biktima at natanggap ang impormasyon mula sa kanilang local office sa Abra.

Bagamat inisyal na ulat lamang ng provincial election supervisor ang nangyaring insidente, sinabi ni Garcia na ito ay isang “serious concern” sa bahagi ng Commission on Elections.

Aniya, nakakatanggap na ng mga ulat ang Comelec kaugnay sa mga problema na may kinalaman sa halalan partikular sa Bucay.

Sa ngayon, hinihintay pa aniya ang pormal na report sa nangyaring shooting incident para makapagdesisyon ang Comelec kung paano aaksyunan.

Kinumpirma rin ni Garcia na 122 kandidato sa Abra ang nag-urong ng kanilang kandidatura.

Hindi naman matukoy pa ng Comelec kung bakit nag-back out ang naturang mga kandidato kung sila ay talagang umayaw, tinatakot o hindi.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang Comelec sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).

Dagdag pa, ilang mga guro na rin ang umatras para magsilbi bilang Electoral Board members ngunit hindi aniya dahil sa banta ng karahasan.

Paliwanag ni Garcia, umatras ang mga guro dahil sila ay konektado sa mga kandidato sa mismong barangay at walang banta laban sa kanila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTolentino sa BFAR: Maayos na gamit sa pangisda, isama sa ayuda
Next articleBatas sa patuloy na edukasyon ng mga guro, inihain sa Bangsamoro parliament