Home NATIONWIDE BSKE tuloy sa katapusan ng Oktubre

BSKE tuloy sa katapusan ng Oktubre

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang apela ng pamahalaan na mabaligtad ang desisyon na nagdeklarang labag sa konstitusyon ang batas na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Nakasaad sa resolusyon ng SC na wala nang bago sa mga iprinisintang argumento ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kanilang motion for reconsideration.

Iginiit sa mosyon ng OSG na balido ang Republic Act 11935 o ang batas na naglilipat sa petsa ng BSKE mula December 5, 2022 sa October 30, 2023.

Ayon sa OSG, nakatugon sa nakasaad sa konstitusyon ang RA 11935. Kinakailangan umano na ipagpaliban ang BSKE para makamit ang mga panukalang reporma.

Gayunman, sinabi ng Korte na hindi suportado ng lehitimomg interes ng pamahalaan ang pagpapaliban ng BSKE.

Iginiit ng Korte na ang pagpaliban ng eleksyon ay pagsakop sa karapatan ng mga botante na ipatupad ang karapatan na bumoto. Teresa Tavares

Previous articlePATAYAN AT SHABU SA HALALANG BSKE
Next articleAdbokasiya para sa ‘rule of law,’ kapayapaan ibinida ni PBBM