Home ENTERTAINMENT Buboy, may hanash sa bashers!

Buboy, may hanash sa bashers!

Manila, Philippines – Aminado si Buboy Villar na na-hurt at naapektuhan talaga sila sa panghuhusga sa kanilang mga bagong hosts ng Eat Bulaga ng GMA 7.

Kung mahina-hina nga lang daw ang kanilang kalooban ay siguradong bumigay na sila dahil sa matitinding banat at batikos na inabot nila mula sa mga loyal fans ng longest-running show sa telebisyon.

Ayon kay Buboy, tao lang din naman daw sila na nasasaktan at naaapektuhan ng kanegahan at judgment ng mga taong sumusuporta sa original na hosts ng Eat Bulaga.

“Actually po, nu’ng una talaga, ang totoo niyan, oo, masakit, e. Masakit talaga. Ako ‘yung taong walang pakialam pero once nakapag…unang-unang bungad sa ‘yo nega kaagad.

“Parang ang bad kaagad ng morning mo, so nakakalungkot talaga siya,” sabi ni Buboy sa interview sa kanya sa Marites University.

Ayon pa kay Buboy ang talagang naapektuhan daw sa mga bagong host ng show ay ang co-host nilang si Betong Sumaya.

“Si Betong, siya talaga ‘yung maramdamin sa amin. Si Betong talaga, kahit sa live, nagbabasa siya (ng comments).

“Pero bilang isang katrabaho mo, kunwari, tayo-tayo, na alam mong naaapektuhan ka pero mas affected ito, paano mo ngayon iha-handle ‘yun?” sey ni Buboy.

Pero mas nanaig pa rin daw ang kagustuhan nilang makapagpasaya ng mga tao kaya kailangan lang na mas lakasan pa nila ang kanilang mga kalooban at huwag na lamang pansinin ang mga bashers at haters.

“Nakaka-hurt lang na parang sa kabila ng magagandang sinabi sa ‘yo, o kaya ito na lang, sa 10 ginawa mo, merong isang mali,” aniya pa.

Dagdag pang paliwanag ng Kapuso actor, “Alam natin kung paano tayo magtrabaho, alam natin na ‘yung gagawin natin dito ay hindi para palitan sila, kundi magbigay ka lang kung ano ‘yung main goal mo, tulong at saya,” aniya pa. Rommel Placente

Previous articleDND sinisilip bumili ng barko na gawang-Cebu para sa AFP
Next articlePHLPost: Nasunog na Post Office building sa Manila target kumpunihin ng DOT