Home ENTERTAINMENT Buboy, patuloy na a-absent sa EB; Herlene, bet sunggaban ang offer!

Buboy, patuloy na a-absent sa EB; Herlene, bet sunggaban ang offer!

Manila, Philippines – Nilinaw ni Buboy Villar na walang katotohanan ang mga kumakalat na balitang magre-resign siya bilang co-host sa Eat Bulaga.

Ito ang nakasaad sa inilabas na art card sa Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraang linggo.

Ito’y makaraang tanungin si Buboy ng mismong head writer ng nasabing afternoon program.

Ayon kay Buboy, asahan na raw na sa mga darating na linggo’y hindi muna siya mapapanood sa Eat Bulaga.

Ito’y sa kadahilanan daw na conflict ito sa kanyang ibang showbiz commitments.

Regular din kasing napapanood si Buboy sa All-Out Sundays kasama si Betong Sumaya na isa rin sa mga bagong hosts ng EB.

Dahil nakabalik na rin si Boobay sa late night show nila ni Super Tekla, tigil na rin ang pagpi-pinchhit ni Buboy.

Matatandaang nitong June 5 ay ipinakilala na ng EB ang mga bago nitong hosts who include Paolo Contis, Betong, Buboy, Legaspi twins Mavy and Cassy, Alexa Miro, among others.

Ang balitang magbibitiw na si Buboy ay may kinalaman sa paratang ng pandaraya laban sa kanya.

Natuklasan kasi na ang isang contestant na sumali sa isang segment ng EB ay tauhan ni Buboy sa negosyo niyang paresan.

Ipinagkibit-balikat naman ni Buboy ang naturang akusasyon.

Samantala, ayon sa programa ni Cristy Fermin, marami raw ang nakakapansin sa pagiging maangas ni Buboy.

Si Buboy ang kasama ni Isko Moreno sa segment na G sa Gedli.

In another development, ipinahayag ni Herlene Budol na kung kakayanin ng kanyang schedule ay willing siyang sunggaban ang alok na maging co-host ng EB.

Ipinagtapat din niyang iniyakan daw niya ang pamamaalam ng TVJ na umere sa Facebook ni Maine Mendoza nitong May 31, saying: “Kumbaga, utot pa lang ako, TVJ na ‘yan kaya nakakalungkot!” Ronnie Carrasco III

Previous articleMga turista sa Albay ligtas pa rin sa pag-aalburoto ng Mayon – OCD
Next articleBabae sa Ecuador na muling nabuhay, patay na