Home ENTERTAINMENT Buboy, pumalit kay Boobay! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Buboy, pumalit kay Boobay! May 23, 2023 13:33 343 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Mukhang sinadya ang rhyming sa title! Ito ang pananaw ng marami sa pagkakapili kay Buboy Villar bilang pansamantalang kapalit ni Boobay sa The Boobay and Tekla Show sa GMA. Nagdesisyon kasi ang pamunuan ng network na pagpahingahin muna si Boobay dahil sa mga silent seizures nito. Matatanndaang bigla na lang nag-hang si Boobay sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda. Bigla itong natulala, ‘yun pala’y inatake siya ng seizure na ikinabahala ni Boy Abunda. Doon na nagpatawag ng medic si Boy para saklolohan si Boobay na itinuloy pa rin ang guesting pagkatapos mahimasmasan. Sa kaso naman ng TBATS, nais makatiyak ng GMA na healthy at fit to work ang ka-tandem ni Super Tekla. Efective naman daw ang tine-take nitong gamot to address his health concern. Mukhang mapapabilis ang pansamantalang leave nito at makakabalik agad sa TBATS. Samantala, dati nang miyembro ng Mema Squad si Buboy. Tinanggal lang ang segment na ‘yon. Nevertheless, pinuri naman si Buboy sa pag-pinchhit niya kay Boobay. Buboy was able to fill the shoes of Boobay na swak din ang mga patawa sa viewers. Hiling nga ng mga TBATS viewers, kahit na makabalik na raw si Boobay ay gawing regular co-host si Buboy. Kuha raw kasi ni Buboy ang kiliti ng mga manonood, bukod sa ibang dimension naman ng pagpapatawa ang hatid niya. Ronnie Carrasco III