Home ENTERTAINMENT Buboy, sinabihang bastos!

Buboy, sinabihang bastos!

262
0

Manila, Philippines- Matatagalan pa bago tuluyang mabura sa kamalayan ng ating mga kababayan na magkaiba ang E.A.T. at Eat Bulaga.

Hanggang ngayon kasi’y identified pa ang comic trio na TVJ sa nilayasan nilang programa.

A case in point ay ang nangyari sa G sa Gedli segment ni Isko Moreno kasama si Buboy Villar.

Ang naturang segment ay regular na napapanood sa revamped Eat Bulaga.

Bagama’t nangyari pa ito sa July 29 episode ng EB, viral ang video clip sa mga social media.

Makikitang nasa LRT 2 sina Isko at Buboy para mamahagi ng cash gifts sa loob ng tren.

Bumaba sila sa Cubao station.

Patapos na ang naturang segment nang mapansin ni Buboy ang isang lola.

Isa rin ang senior citizen sa mga pinalad mabigyan ng P1,000 cash.

Nilapitan ito ni Buboy saka tinanong kung ano ang masasabi ng matandang commuter sa kanilang programa.

Sagot ng matanda: “Hay, naku, matagal na akong nanonood ng Eat Bulaga!”

Sa pagkakataong ‘yon ay nagpasalamat na ang instant winner: “Salamat po, Tito, Vic at…”

Hindi natapos ng matanda ang kanyang pagsasalita dahil mabilis na kinabig ni Buboy ang mikropono.

Gayunpaman, dinig pa rin ang pahabol nito na “Joey.”

Dahil dito’y umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang ginawa ni Buboy.

Bagama’t may mga nakakaunawa sa kanyang ginawa ay mas marami ang nagsasabing “bastos” ang inasal niya.

Hindi ito ang unang beses na nadulas ang random winner sa pagpapasalamat sa TVJ.

Matatandaang sa naturang segment din nagpaabot ng pasasalamat ang isang drayber.

Maagap naman itong nasalo ni Isko sa pagsasabing mga dati niyang nakatrabaho ang TVJ.

Noon pa ma’y kinakikitaan na ng kaangasan si Buboy ng maraming manonood ng EB.
Bago? Ronnie Carrasco III

Previous articlePetisyon sa pagkilala sa Hague ruling sa WPS vs China, pinahahain sa SC
Next articleAbby at Jomari, pa-suspense ang kasal sa November!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here