Home NATIONWIDE Bucor gagastos ng P100M sa pagkakabit ng mga CCTV sa NBP

Bucor gagastos ng P100M sa pagkakabit ng mga CCTV sa NBP

207
0

IMANILA, Philippines- Bibili ang Bureau of Corrections (BuCor) ng ₱100 milyong halaga ng closed-circuit television (CCTV) cameras na ilalagay sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na may nakalaan sila na budget para sa susunod na taon para maglagay ng CCTV sa bawat kubol o silid mga inmates.

Layunin nito na epektibong ma-monitor ang bawat galaw ng mga inmates.

Ipinaliwanag ni Catapang na ang pagkakabit ng mga CCTV ay bahagi ng pagsisikap ng BuCor na matigil na ang pagpasok ng mga kontrabando sa NBP at maiwasan ang mga iligal na gawain ng mga preso. May mga naikabit nang mga CCTV ngunit hindi pa ito sapat dahil kulang pa sa budget.

Magsisilbing mata ng Bucor ang mga CCTV lalo pa at mahirap bantayan ang inmates dahil sa kakulangan ng jail officers.

Ang ratio aniya sa kasalukuyan ay isang guwardiya ang nagbabantay sa kada 27 PDLs.

Samantala, iniutos na rin ni Catapang ang pagbuwag ng mga dingding ng kubol.

Iniulat ni Catapang na tinanggal na ang mga dingding sa 2,812 na kubol para makikita kung may mga iligal na aktibidad gaya ng pagsusugal at paggamit ng droga.

Mismo aniyang si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nag-utos na alisin ang dingding ng bawat kubol. Teresa Tavares

Previous articleDPWH magsasagawa ng reblocking sa ilang kalsada sa NCR sa Sept. 8-11
Next articleYen Durano, humingi ng respeto sa mga ka-love scene!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here