Home NATIONWIDE BuCor magbibigay ng lupa sa PCG para sa bagong HQ

BuCor magbibigay ng lupa sa PCG para sa bagong HQ

MANILA, Philippines – Nagpulong ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Corrections (BuCor) officials sa Muntinlupa City upang talakayin ang posibilidad ng paglalaaan ng 20 hektaryang lupain sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) para maging permanenteng headquarters nito.

Nag-usap sina BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kasama si PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan upang iugnay ang dalawang tanggapan at palakasin ang posibilidad ng pagbabahagi ng kanilang mga mapagkukunan.

Maalala na nagpahayag si Catapang ng planong i-decongest ang BuCor compound sa Muntinlupa sa pamamagitan ng paglilipat ng mga person deprived of liberty (PDLs) sa mga rehiyon sa susunod na limang taon.

Ang mga ari-arian na ibabakante ay gagawing government centers.

Hiniling naman ng PCG sa BuCor kung maari nitong gamitin ang hindi bababa sa 20 ektarya ng lupang iyon para sa punong tanggapan nito.

Bilang kapalit, sinabi ng PCG na maaaring gamitin ng BuCor ang mga sasakyang pandagat at bus ng PCG para ihatid ang mga persons deprived of liberty sa buong bansa.

Sinabi rin ng PCG na maari nilang sanayin ang mga BuCor personnel na gumamit ng PCG aircraft para sa transportasyon sa panahon ng inspeksyon ng mga regional prison at penal facility.

Una nang sinabi ng BuCor na maaari lamang silang mag-alok ng 3 ektarya ng lupa para magamit ng PCG. Nag-alok din ang bureau sa PCG ng isang bahagi ng lupa sa Palawan property nito, malapit sa West Philippine Sea. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article‘Close collaboration’ target ni PBBM kay Taiwan pres-elect Lai Ching-te
Next articleP625.8M ibibigay ng Canada sa Pinas para sa health services, climate adaptation