Home METRO BuCor nagtayo ng parke para sa pamilya ng mga PDL

BuCor nagtayo ng parke para sa pamilya ng mga PDL

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Nagtayo ang Bureau of Corrections (BuCor) ng bagong parke na malayang magagamit ng mga bumibisitang pamilya ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP).

Itinayo ang parke sa tuktok ng sinasabing mass grave sa mga napatay na preso.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang 5,000 square-meter na lupain ay mayroong playground para sa mga bata at gazebos na maaring upuan ng mga bisita.

Inabot ng apat na buwan ang pagpapagawa ng mga palikuran para sa babae at lalaki.

Sa kanyang pahayag sa ginanap na ribbon cutting ceremony sa visitor’s park, bahagi ng pagbabago ng mga PDL ang naturang parke. Bahagi rin aniya ito ng pangangailangan na gawing makatao ang mga polisiya at programa para sa mga PDL.

Dagdag ni Catapang na paraan ito para ipakita sa mga PDL at sa kanilang pamilya ang kanilang malasakit sa ilalim ng “Bagong Bucor sa Bagong Pilipinas.” Teresa Tavares

Previous articleOFWs tuturuan ng financial literacy sa ilalim ng kasunduan ng DMW, PSE
Next articleBidding para sa vote transmission services sa 2025 elections umarangkada