Home METRO Bugaw sa mga menor sa Angeles himas-rehas

Bugaw sa mga menor sa Angeles himas-rehas

381
0

Inaresto ng National Bureau of Investigation – Pampanga District Office (NBI-PAMDO) ang isang lalaki na facilitator ng human trafficking at nag-aalok ng sexual service sa mga menor de edad sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Jojit Zamora Caronan na mahaharap sa kasong Qualified Trafficking in Persons na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2022.

Ang operasyon ay nag-ugat sa nakatanggap na impormasyon ng NBI-PAMDO na umanoy Isang indibidwal ang kalaunan ay nakilalang si Caronan na nag-aalok ng sexual services sa mga bata sa Angeles City, Pampanga gamit ang “dummy” Facebook account sa isang Facebook group.

Nagsagawa ng serye ng online survellaince ang NBI-PAMDO at nakumpirma ang impormasyon at ang facilitator ay nagpapadala sa mga potensyal ba kliyente ng nude photos ng mga menor de edad na biktima para akitin sila kapalit ng P3,000.00 hanggang P10,000.00.

Nakipagtraksakyon ang undercover agent ng NBI-PAMDO sa pamamagitan ng Facebook at nakakuha ng dalawang menor de edad.

Sa pagkakataon ito, ang NBI-PAMDO kasama ang 301st Special Mission Group ng 300th Air Intelligence Security Wing ng Philippine Airforce ay nagtungo sa napagkasunduang meeting place kung saan naaresto ang suspek na noo’y sakay ng scooter at kasama ang isang batang babae.

Isinalang na sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor ng Angeles para sa nabanggit na mga paglabag. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTapyas-boobs ni AJ oks kay Jeric
Next articleQC fire chief nasa hot seat sa pagpayag sa media sa fire scene

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here