Home HOME BANNER STORY Buking sa Senado: P1,500 bayad kada-araw sa nangangalap ng PI singnatures

Buking sa Senado: P1,500 bayad kada-araw sa nangangalap ng PI singnatures

MANILA, Philippines – Ibinulgar sa Senado ng isang saksi mulang Bukidnon na nagbabayad umano ang grupo ni House Speaker Martin Romualdez ng P1,500 kada indibiduwal upang mangalap ng  lagda sa bawat barangay para sa peoples initiative.

Sa kanyang testimonya sa Senado, sinabi ni Jocelyn Movera, katutubong Bukidnon na tumestigo sa Senado na nakatanggap siya ng P3,000 mula sa isang Adonis Gonzaes at Adonis Ragasi upang mangalap ng lagda para sa peoples initiative.

 “Sabi nila, magpapirma kami sa tao at bibigyan kami ng bayad na 1,500 a day,” ayon kay Movera sa salitang Cebuano.

Ayon kay Movera, they were given two documents — one to be submitted to Congress, the other to be passed to the Commission on Elections.

 “Bale ang ibinigay po sa amin ay P1,500 a day tapos po in-advance po yung isang araw bale P3,000 po ang natanggap namin,” dagdag niya.

Sinabi ni Movera na nakalahok siya sa signature drive ng ilang ara lamang dahil iniutos ng isang  Barangay Captain Alex Salvaña na itigil ang pangangalap ng lagda dahil hindi ito dumaan sa proseso ng barangay.

Kasabay nito, inihayag naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na base sa ibinulgar ni Movera tiyak na mayaman ang taong nasa likod ng people’s initiative.

“Imagine, ilang libong barangay yan sa Pilipinas. Kung ang pangako nila ay 1,500 per person, naku hundreds of millions of pesos siguro ang pinag uusapan natin dito. Hindi ito ordinaryong tao ang pasimuno nito,” ayon kay Zubiri. Ernie Reyes

Previous article4-year Gilas program inilatag ni coach Tim
Next articleJames Yap kinukuha ng Blackwater