Home NATIONWIDE Bulacan ecozone bill, inendorso ni Poe sa plenaryo: P130B kikitain, 1M trabaho...

Bulacan ecozone bill, inendorso ni Poe sa plenaryo: P130B kikitain, 1M trabaho lilikhain

MANILA, Philippines – Inendorso ni Senador Grace Poe sa plenaryo ng Senado ang panukalang pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport o kikilalanin bilang “Bulacan Ecozone,” na inaasahang magbibigay ng P130 bilyon kita at makalilikha ng aabot sa 1 milyong trabaho.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Poe, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na layunin ng Committee Report No. 209 sa Senate Bill No. 2572 na magtayo ng Bulacan Ecozone na nilagdaang ng lahat ng miyembro.

“What we are sponsoring today is the next big step—the creation of a special economic zone with the airport project at its heart,” ayon kay Poe sa kanyang sponsorship speech nitong Martes.

“No airport is an island. The success of an airport relies on a whole ecosystem of properly run highways and roads, vibrant markets and industries, and seamless collaboration with its neighboring towns and communities,” dagdag niya.

Pangangasiwaan ng Bulacan ecozone ang bagong paliparan na itatayo sa makasaysayang lalawigan ng Bulacan upang paluwagin ang Ninoy Aquino International Airport terminals sa Metro Manila.

“Based on submitted calculation, tinatayang aabot ng P130.939 billion ang economic potential ng Bulacan Ecozone. At sa tuloy-tuloy nitong pag-unlad, inaasahan natin na makakapagbigay ito mula 800,000 hanggang 1.2 million na trabaho,” ayon kay Poe.

Lilikhain ng panukala ang isang lupon na kikilalanin bilang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA), na mangangasiwa at mamamahala sa ecozone. Isasailalim ang tanggapan sa direktang control at superbisyon ng Office of the President.

“The BACSEZFA shall include in its development goals for the Bulacan Ecozone the construction and operation of a domestic and international airport and allied businesses within the framework of national development plans, policies and goals,” ayon sa committee report.

“The development plan shall include a list of projects for the sound and balanced operation of the Bulacan Ecozone consistent with ecological and environmental standards, proper waste management practices, effective flood control and management, mandatory water impoundment, and other productive uses to promote the economic and social development of the municipality of Bulacan and its extensions in particular and the country in general,” dagdag ng report.

Pinayagan ang BACSEZFA na magkaroon ng P2 bilyong halaga ng authorized capital stock, at majority shares na babayaran at pag-aari ng national government at local government units na sumasakop sa lugar.

Nakatakda sa panukala ang revenue sharing sa kokolektahing corporate income tax collected na hahatiin sa mga sumusunod: 40% sa national government; 20% sa BACSEZFA para infrastructure development; at 40% sa concerned local government.

Tinukoy ni Poe ang mga sumusunod na features ng panukala upang tugunan ang alalahanin ng kinauukulang stakeholders:

•The metes and bounds of the ecozone has been properly drawn by indicating the exact cities and municipalities covered by the zone. Additionally, any future expansions will be by a presidential proclamation with clearly defined boundaries.

•The Department of Environment and Natural Resources shall be tasked to lead the supervision of environmental concerns inside the Ecozone.

•The oversight function of the Commission on Audit was strengthened by explicitly stating that all of the Ecozone Authority’s transactions are subject to its accounting and auditing rules.

•All incentives have been aligned with the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act to ensure that there are no tax grants outside of what the current system already provides

•The Bulacan Ecozone’s development plans are with timelines and milestones to ensure that everyone would have the same vision on what BACSEZFA’s role will be on Bulacan’s development and progress.

“Kahit anong proyekto na pangkaunlaran, local man o national, ay napagtatagumpayan lamang kung mayroong sama-samang pagpaplano. At sa panukalang batas na ito, masisiguro na kasama ang Bulacan sa paglipad tungo sa mga bagong oportunidad at pag-asa,” ayon kay Poe. Ernie Reyes

Previous articleBangka na may P28M ismagel na sigarilyo nasabat sa DavOcc
Next articleTricycle driver pinagbabaril sa pakwanan, todas