Home HOME BANNER STORY Bulalacao, Oriental Mindoro inilagay sa state of calamity sa El Niño

Bulalacao, Oriental Mindoro inilagay sa state of calamity sa El Niño

MANILA, Philippines – Idineklara ang state of calamity sa Bulalacao, Oriental Mindoro dahil sa epekto ng El Niño phenomenon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Sa pinakahuling report, sinabi ng NDRRMC na naglabas ang Bulalacao LGU ng resolusyon sa pagdedeklara ng state of calamity.

Natuyo na ang mga ilog at sakahan sa bayan, na labis na nakaapekto sa suplay ng tubig at pagkain.

“Sa kasalukuyan ay may humigit kumulang na 500 ektaryang taniman ng sibuyas na may 575 magsasaka, 539.1 ektaryang taniman ng palay na may 545 magsasaka, at 20.2 ektaryang iba pang mga pananim na may 28 magsasaka ang apektado,” pahayag ng Bulalacao LGU.

Dahil dito, naghuhukay na ng iba pang pagkukuhanan ng tubig ang mga magsasaka para mailigtas ang kanilang mga pananim.

Samantala, iniulat ng NDRRMC na umakyat na sa P865,161,689 ang pinsala sa agrikultura sa Ilocos, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga dahil pa rin sa El Niño.

Apektado rito ang 15,341 magsasaka at mangingisda sa 13,521 ektarya ng taniman.

Matatandaan na idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño phenomenon noong Hulyo 4, 2023. RNT/JGC

Previous articlePagkamatay ng inmate tatalupan ng MPD
Next articlePagpapabuti sa health facilities popondohan ng P28.58B sa 2024 budget – DBM