Home OPINION BULID BETTER MORE PROJECTS

BULID BETTER MORE PROJECTS

111
0

MULA sa dating BUILD, BUILD, BUILD Projects o BBB Program Philippines na dating ‘catch phrase’ ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ngayon ang sigaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay BBM na ang ibig sabihin ay Build Better More Projects.

Sa kakatapos lamang na working visit sa Japan, nagyabang si Pangulong Bongbong na mayroon na siyang 200 projects na nasa pipeline kasama na ang anim na milyong pabahay at humingi siya ng tulong mula sa Japan para matapos ang lahat na ito.

Dahil dito ang Japan ay nangako nang ayuda at una na rito ay ang pagtatayo ng mga subway na sakop ang buong Metro Manila.

Ayon kay Prof. Renato de Castro, ng De La Salle University, lumilitaw na ang bansang Japan ay tumutupad sa mga pangako. Sa katunayan, pinatotohanan nito na noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. maraming mga proyektong ginawa sa pamamagitan ng Japanese International Cooperation Agency.

Sinabi pa ni De Castro, napakaganda nang timing ng pakikipagkaibigan natin sa Japan ngayon.

Unang-una wala tayong conflict sa Japan sa West Philippine Sea at wala ring problema ang ating overseas Filipino workers sa nasabing bansa.

Si De Castro ay isang dating aktibista noong panahon ni dating Pangulong Marcos subalit nabago ang tingin niya dahil sa sipag ni PBBM. Tama lang na tuloy ang mga biyahe ng Pangulo dahil sa trabaho niya ito.

Ang mga basher, dapat ay tingnan muna ang bunga ng mga biyaheng ginagawa ni PResidente Marcos.

Naisip ba ninyo, lalo na ng bashers ni PBBM, na sa panahon ng kasalukuyang Pangulo ay malilibot na ang buong Metro Manila sa pamamagitan ng subway.

Hindi ba kahit para sa mga taga- probinsiya ay pabor ang ginagawa ng Pangulo dahil hindi na nila kailangang magtungo sa Kamaynilaan upang magpagamot sapagkat maging ang mga pagamutang katulad ng Philippine Heart Center at National Kidney and Transplant Institute ay itatayo na rin sa mga lalawigan?

Kaya tuloy-tuloy ang panawagan sa lahat ng Pinoy na suportahan si Pangulong Bongbong na bagaman wala pang isang taon na nakaupo bilang president ay nagtratrabaho na upang matupad ang pangarap ni Juan dela Cruz na pangarap n’ya ring matupad para sa lahat.

Kung meron kayong mga katanungan mag email lang sa [email protected] at makinig sa aking programang Todo Nationwide Talakayan 7:00 to 9:00AM every Sunday sa DWIZ 882kHz AM Band. Pwede rin kayong mag text sa 0995-132-9163.

Previous articleP100M sales leads nasungkit ng Pinas sa ASEAN Tourism Forum
Next articleReview sa PNP courtesy resignation ‘di tatagal ng 3 buwan – Azurin