Home METRO Bulkang Bulusan nagliligalig na naman: 126 lindol naitala

Bulkang Bulusan nagliligalig na naman: 126 lindol naitala

MANILA, Philippines – Naitala ang pagtaas ng aktibidad sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang bulkan, na matatagpuan sa Sorsogon, Bicol, ay nagkaroon ng 126 mahinang lindol mula alas-12 ng umaga noong Linggo.

“Ang mga lindol na ito ay nasa pagitan ng magnitude 0.3 hanggang Magnitude 2.2 at nabuo sa pagitan ng 1-9 na kilometro sa ilalim ng hilaga hanggang hilagang-kanlurang bahagi ng bulkan,” sabi ng Phivolcs.

Naitala rin ang volcanic gas mula sa bunganga ng bulkan.

“Ang degassing activity mula sa summit crater at active vents ay nakabuo ng napakahina hanggang sa katamtamang dami ng mga plume na lumipad sa timog-kanluran hanggang hilagang-kanluran,” sabi ng Phivolcs.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkan na Alert Level 1 ang nangingibabaw sa Bulusan.

“Mahigpit na binabantayan ng DOST-Phivolcs ang kalagayan ng Bulusan Vocano at anumang bagong development ay ipaparating sa lahat ng kinauukulan,” sabi nito. Santi Celario

Previous articlePBBM wala sa drug watchlist – PDEA
Next articleTacloban City Jail binisita ng UN Special Rapporteur