Home NATIONWIDE Bulkang Taal naglabas ng 2,400-meter plume nitong Sabado

Bulkang Taal naglabas ng 2,400-meter plume nitong Sabado

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng degassing activity ang Bulkang Taal sa main crater nito Sabado ng umaga, Hunyo 22, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa visual monitor ng PHIVOLCS sa Agoncillo Observation Station, ang degassing activity ay nangyari mula 1:30 ng madaling araw hanggang 7:55 ng umaga at nagbuga ng makapal na usok na umabot ng 2,400 metro ang taas.

Sinabi ng ahensya na ang Bulkang Taal ay nagbubuga ng “significant volumes” ng volcanic gas mula pa noong Marso 2021.

Sa abiso nitong Sabado, sinabi na naglabas ang bulkan ng 4,641 tonelada ng sulfur dioxide nitong Huwebes, Hunyo 20.

Nananatili ang Alert Level 1 na babala sa bulkan. RNT/JGC