Home ENTERTAINMENT Bullet, magsasampa ng libel laban kay Cristy?

Bullet, magsasampa ng libel laban kay Cristy?

Manila, Philippines – Sa tono ng pananalita ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, nangangamoy libel ang kasong posible niyang isampa laban sa mga mamamahayag–and even vloggers alike–na pinalabas na may “something” sila ni Dominique Roque.

Isa kasi sa mga itinuturong dahilan ng breakup nina Bea Alonzo at Dominic ay ang pagkakatuklas ng kampo ng aktres sa nagmamay-ari ng condo unit na tinitirhan ni Dom.

Nang itsek, napag-alamang nasa pangalan daw ito ng isang pulitiko.

Pero hanggang doon lang ang clue na ibinigay ni Cristy Fermin.

Dito na ito pinik-up ng ibang media outlets kung saan kung sinu-sino na ang nadadamay.

Wala mang ibinigay na pangalan si Cristy ay sinabi nitong ang pulitikong sangkot ay hindi isang senador o kongresista.

Pero malinaw sa kuwento ni Cristy na may “insinuation” o implikasyon na may kaugnayan si Dom sa may-ari ng tinitirhang condo unit.

Dagdag pang clue ni Cristy, hindi raw sa Bonifacio Global City ang location ng nasabing condo building.

Finally, lumantad na nga si Bullet as being the owner of the condo unit.

Kasabay nito ay ang buwelta ng kampo ni Dominic as represented by his lawyers condemning Cristy’s story.

Totoo namang hindi nag-namedrop si Cristy.

Iniulat niya ‘yon sa pamamagitan ng blind item.

Pero ang tanong: does it excuse Cristy from her liability?

Base sa pag-aaral ng libel o ethics of the press, ang sagot ay hindi.

Idinaan man sa blind item ang subject sa ulat, pero kung identifiable naman ito at mapapatunayan through a third party ay libelous pa rin.

Ang libel ay isang malicious imputation na nakakasira ng dangal ng isang tao, very basic na kahulugan ito.

Kaya masasabing may kahinaan ang depensa ni Cristy sa ‘di nito pag-a-identify ng kanyang politician subject.

May iba pa bang may-ari ng condo unit na tinitirhan ni Dom? Ronnie Carrasco III

Previous articleDSWD nagbabala vs pekeng socmed page na nag-aalok ng tulong
Next articleDistribusyon ng AICS payout sa Maynila, pinangunahan ni Lapid