Home OPINION BULOK NA KARNE NAGKALAT

BULOK NA KARNE NAGKALAT

163
0

NABUBULOK, expired, mishandled.

Ito ang paglalarawan sa 175,000 kilong karne na
natagpuan sa isang warehouse sa Meycauayan,
Bulacan nitong nagdaang araw lamang.

Ginawa ang paglalarawan ni Richard Rebong, CIIS
chief, ng Bureau of Customs na nanguna sa pag-
raid sa warehouse.

Kasama ni Rebong si National Meat Inspection
Service Director III Eduardo Oblena, kinatawan ng
Department of Agriculture, Philippine National
Police, Philippine Coast Guard at Armed Forces of
the Philippines.

Ayon kay Rebong, natagpuang nabubulok at
nakalagay lang sa sahig ng warehouse ang mga
karne ngunit may mga bagong carton na roon
isinisilid ang mga nare-repack at sa huli, ibinebenta
sa mga pamilihan o sinomang bumibili.

Sabi naman ni Oblena, niluluto, nirerekaduhan ang
mga karne kaya hindi na nahahalata sa masamang
kalagayan ng mga ito, sabay babala sa mga
restoran at nagtitinda ng mga pares at mami house na iwasan na ang pagbili sa mga ganitong uri ng karne.

May tatak na taong 2021 ang mga karne kaya
lumang-luma na talaga ang mga ito.

Habang tinitipa ko ito, mga brad, sinisikmura ako.
Paano kung nakakain na ako ng mga ito sa mga
mami na itinitinda sa mga kalsada o sa mga mami
house?

Ang sarap pa naman dahil napakaiinit ang mga
sabaw ng mga ito na lalong sumasarap kapag
binudburan ng sili at sinasamahan pa ng mga
monay o pandesal.

Paano kung kasama rin ang mga karneng ito sa
mga itinitinda sa mga palengke na imported ngunit
mura?

Yaaaak! Yaaaak! At yaaaak pa!

Anak ng uod at bakterya naman, oh!

Dapat na makilala ang mga may gawa ng
importasyon at mga kasabwat nila sa pagpapakalat
ng ganitong uri ng pagkain.

Kung may sasabit na mga opisyal ng gobyerno,
dapat tanggalan agad ng maskara.

Bilisan din dapat ang pagsasampa ng kaso laban sa
mga ito para makulong sila at hindi makaperwisyo
sa mga mamamayan.

Previous articleDSWD field offices naka-high alert sa bagyong Dodong
Next articleMAGTIPID AT HUWAG MAG-AKSAYA NG TUBIG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here