Home NATIONWIDE Bulto-bultong ukay-ukay nasabat sa Sorsogon

Bulto-bultong ukay-ukay nasabat sa Sorsogon

MANILA, Philippines – Bulto-bultong ‘ukay-ukay’ ang nasabat ng pinagsamang-pwersa ng Bicol Port Police at Coast Guard Sub-Station sa Matnog, Sorsogon.

Nag-ugat ang operasyon sa isang impormasyong natanggap ng Terminal Management Office sa Matnog mula sa isang concerned citizen.

Pinangunahan ng customs police kasama ang coast guard at ilang security personnel ng Philippine Ports Authority (PPA) ang inspeksyon sa truck na may plakang NFP 6254.

Ilang araw umano itong binantayan ng mga awtoridad ang pagdating ng truck kung saan idineklarang bagong damit ang 40 bulto ng ‘ukay-ukay’.

Ang kargamento ay ililipat na sa kustodiya ng customs pati ang truck at drayber para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa may-ari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP9M marijuana sa Kalinga, sinunog!
Next article100% media violence resolution tinukoy ng PTFoMS