Home HOME BANNER STORY Bumbero arestado sa “slot for officership” sa BFP

Bumbero arestado sa “slot for officership” sa BFP

MANILA, Philippines – Arestado ang isang bumbero sa Muntinlupa City dahil sa ibinebentang puwesto sa pagka-opisyal sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ulat nitong Miyerkules, sinabi ni CIDG chief Maj. Gen. Romeo Caramat Jr. na nasakote nila ang suspek na si Fire Officer 1 Ramces Paul Benipayo, 29, na nakatalaga sa Muntinlupa Fire Station.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang Justin Ibardaloza, na nag-claim na siya ay naengganyo ng suspek para sa isang “slot for officership through lateral entry” sa BFP kapalit ng P200,000.

Inilunsad ng CIDG at Intelligence and Investigation Division (IID) ng BFP ang entrapment na nagresulta sa pagkahuli ng suspek matapos nitong matanggap ang marked money.

Nakuha mula sa suspek ang kanyang BFP ID, isang mobile phone, isang black belt bag at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang suspek at mahaharap sa reklamong estafa kaugnay ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni BFP IDD director Fire Chief Supt.Gilbert Dolot na matapos maaresto si Benipayo ay maraming naglitawang complainant laban dito.

Samantala, sinabi ni CIDG AOCU chief Col. Reynaldo Lizardo na sinabi ng suspek na may kasabwat siya at nasa loob din umano ng BFP.

“He is mentioning somebody who is inside the BFP but there is also information that it is a retired personnel. However, the case is still under investigation and we will find out other details later on. We are encouraging other victims to come forward,” ani Lizardo. Santi Celario

Previous article‘Gang P30K multa, bawi-lisensya ikakasa vs bus way violators
Next articleTatakbong tserman pinaulanan ng bala sa Lanao