Home OPINION BUNGA NG ROTC MARAMI

BUNGA NG ROTC MARAMI

150
0

BATAY sa sariling karanasan at karanasan din ng iba, napakaraming ibinubungang maganda sa mga kabataan ang Reserve Officers Training Corps.

Una, tuloy-tuloy ang mga ehersisyong pisikal na nagreresulta sa hindi nakapapagod na paglalakad at pagtakbo kahit lagpas sa 50 kilometro at pag-akyat-baba sa bundok.

Para sa walang mahusay na ehersisyong pisikal, sa nasabi lang na mga paglalakad at pagtakbo nang malayo at pag-akyat-panaog ng bundok, katakot-takot na hingal, kapaguran at paghinto sa daan ang aabutin niya.

Ikalawa, sa mga may ROTC sa mga kampo ng mga sundalo, may aktuwal na paghawak at pagpapaputok ng baril na kailangan sa anomang uri ng giyera.

Giyera sa terorismo, sa giyera ng mga bansa, sa krimen at iba pa.

Ikatlo, natututunan din sa ROTC ang mga gawaing medikal, kasama ang paglalapat ng first aid sa mga nasusugatan, nababalian ng buto, nalulunod, nasusunog, nagkakasakit at iba pa.

Ikaapat, nahuhubog din sa ROTC ang katatagan ng loob para manindigan sa mga isyu sa buhay at lipunan.

Nakatuon lahat ito sa pagmamahal sa bansa at sambayanan at kapwa.

Kapag pinagsama ang physical exercises, kaalaman at kasanayan sa paggamit ng armas, kaalaman sa mga batayang gawaing medikal at katatagan ng loob sa harap ng mga hamon sa buhay at sambayanan at sa mga sitwasyong emergency, pwede nang tawagan ang taon-taong 500,000 na Grades 11 at 12 graduates na may ROTC na lumahok sa mga totoong giyera, kalamidad, krimen, terorismo at iba pa.

Napakalaking pwersa ‘yan ng lipunan bilang katulong ng lahat sa mga oras ng pangangailangan.

Kaya naman, suportado natin ang pagkakaroon ng mandatory o sapilitang ROTC sa mga senior high school at maging sa kolehiyo para sa mga gustong maging opisyal ng militar o pulisya.

Hindi uubra sa nasabing mga giyera, kalamidad, terorismo, krimen at iba pa ang pagti-Tiktok, pagpi-Facebook at iba pa.

Previous articlePNP chief nakiramay sa pamilya ng biktima ng ‘mistaken identity’ sa Navotas
Next articleEABL Philippine Youth League Invitational arangkada sa Setyembre

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here