Bunso ni Pacquiao nasagasaan, patay

Bunso ni Pacquiao nasagasaan, patay

June 29, 2020 @ 11:48 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

General Santos, Philippines – Nalungkot ang buong angkan maging ang fans ni Senator Manny Pacman Pacquiao matapos mamatay ang itinuturing nilang bunso sa kanilang pamilya.

Pinangalanang Pacman, ang loyal na training partner na aso ni Pacquiao ay namatay matapos masagasaan ng rumaragasang sasakyan na minamaneho ni David Sisson.

Base sa mga nakasaksi, nasagasaan ng sasakyan ang nakawalang aso ng eight division world champion sa General Santos City nitong Sabado.

Ayon sa ulat, ang 14-year-old Jack Russell terrier ang itinuturing ni Pacquiao na bunso sa kanyang pamilya.

Si Pacman ay ang  loyal training partner ni Pacquiao  simula pa noong 2006.

Sinabi ni  Pacquiao na nalungkot siya sa nangyari sa kanyang paboritong aso na nagbigay rin sa kanya ng inspirasyon sa kanyang mga laban. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...