Home METRO Buntis tepok sa salpok ng SUV

Buntis tepok sa salpok ng SUV

418
0

MANGALDAN, Pangasinan-PINAGLALAMAYAN ngayon ang isang 22-anyos na buntis at kanyang sanggol sa sinapupunan habang sugatan ang live-in partner matapos silang mahagip ng rumaragasang SUV nitong Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Ryza Mae Biay, habang malubhang nasugatan ang kaniyang live-in partner na si Lennuel Prestoza.

Patuloy naman tinutugis ng pulisya ang driver ng SUV na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roldan Cabatan, hepe ng Mangaldan Police Station, naganap ang insidente sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay Bari, sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatigil ang mga biktima para lumiko sa nasabing Barangay nang salpukin sila ng humaharurot na SUV.

Sa lakas ng pagkakasal pok tumilapon ang maglive-in partner subalit nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Biay na naging ng kanyang kamatayan maging ang kanyang magiging anak sana ay hindi rin nakaligtas sa kanyang sinapupunan.

Inoobserbahan naman sa ospital si Prestoza./Mary Anne Sapico

Previous articleSara binalikan ni Hontiveros sa CIFs: ‘Trabaho lang, walang drama!’
Next articleVice, nagpasaring kay Enrile!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here