Home HOME BANNER STORY Buong NegOr police pinapalitan ni Abalos

Buong NegOr police pinapalitan ni Abalos

67
0

MANILA, Philippines – Iniatas na ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na palitan ang lahat ng tauhan ng pulisya sa Negros Oriental kasunod ng walang habas na pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

“As per my instruction, lahat ng police personnel sa Bayawan City at iba pang local government units sa Negros Oriental ay papalitan,” ani Abalos sa Facebook post.

Pinadala ni Abalos si deputy chief for administration ng Philippine National Police (PNP) Police Lieutenant General Rhodel Sermonia sa Bayawan City para ipatupad ang kanyang direktiba.

“As per his latest update, General Sermonia has completed the turnover of the Bayawan City police chief and the changing of all police personnel,” ani Abalos.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang hindi bababa sa apat na suspek sa pagpatay kay Degamo, at isa pa ang napatay sa hot pursuit operations habang nasa lima pang mga suspek ang tinutugis. RNT

Previous articleBayan sa Antique isinailalim sa state of calamity sa oil spill
Next articlePNP, AFP sanib-pwersa sa paglansag sa private armed groups