MANILA, Philippines – Binisita ni Senador Francis Tolentino ang burol ng mga mangingisdang namatay sa banggaan sa West Philippine Sea sa Subic, Zambales kung saan nagbigay siya ng tulong sa lahat ng mga mangingisdang sangkot.
Igigiit ni Sen. Tolentino ang isang espesyal na imbestigasyon na makatutulong sa pagtatatag ng “archipelagic sea lanes” sa bansa upang hindi na maulit ang insidente.
Nais ni Tolentino, chairperson Senate committee on justice and human rights, na alamin sa pagsisiyasat kung saan dapat dumaan ang mga domestic ship at malalaking dayuhang sasakyang-dagat para maiwasan ito ng mga mangingisdang Pilipino. RNT