MANILA, Philippines – Mananatiling problema sa bansa ang burukrasya kahit maayos na ang economic provisions ng PIlipinas.
Ito ang paniniwala ni dating National Security Adviser at political scientist Prof. Clarita Carlos sa Kapihan sa Manila Bay.
Giit ni Carlos, nariyan pa rin ang problema sa proseso ng pagsasayaos ng mga dokumento.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit kinakailangan na balangkasin ng mga social scientist, political scientist at mga ekonomista ang itinutulak na pagbabago sa mga economic provisions sa Saligang Batas.
Paliwanag ni Carlos, magkakadugtong kasi ang mga nasabing isyu kung saan kahit payagan pa aniya ang 100% ownership ng mga dayuhang mamumuhunan pero problema pa rin ang pagsasaayos ng mga permits ng mga ito, ay tiyak na magkakaroon parin ng problema.
Upang masolusyunan aniya sa ganitong problema ay ang pag- determina ng mga problema at unti unti itong baguhin. Jocelyn Tabangcura-Domenden