MANILA, Philippines- Tungkulin ng gobyerno na ayusin ang bureaucratic processes para maiwasan ang nakasanayang korapsyon.
Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad at covenant signing ng Executive Order No. 18, “which constitutes the green lanes for strategic investments.”
“So we know, we in the government know what is necessary. So let us take that load off the investor. Let us take that load off the business sector and take it on because that is the role of government is to handle all these bureaucratic procedures, not so that we delay and we open opportunities for corruption, for wastage,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.
“Instead, we are doing now the opposite where we are streamlining all of these,” dagdag na pahayag nito.
Naniniwala naman ang Pangulo na kadalasang nararamdaman ng mga Pilipino na ang bureaucratic rules ay “so complex at very hard” para sundin.
“You try very hard but again at every instance, at every turn, there is always a problem. They will say, ‘Well, you forgot to bring this, you forgot to bring that document, you forgot to get the clearance,'” lahad ng Punong Ehekutibo.
Binigyang-diin ng Pangulo na maging ang foreign investors ay naapektuhan nang matindi ng “complicated processes,” lalo na sa pagkuha ng permit.
Ang panliligaw aniya sa investors ang isa sa mga dahilan para sa pagtatatag ng green lanes.
“So, that is a general idea behind these green lanes and that, I thin,k is a big step towards our fostering this idea of making the ease of doing business something that becomes more attractive to potential investors,” ayon sa Chief Executive.
Sa ilalim aniya ng green lanes, ang electronic submission ng aplikasyon para sa at pagpapalabas ng clearances, permits, payments, certifications, at iba pang documentary requirements, ay dapat na paganahin.
“We understand that time is of the essence for our investors and our entrepreneurs. Thus, a streamlined bureaucracy will ensure that our processes are efficient, transparent, and responsive to the needs of these potential investors,” ang winika ng Pangulo.
Binanggit naman nito ang ibang bansa gaya ng Thailand, Vietnam, South Korea, Indonesia na pawang maluwag o hindi mahigpit ang government processes.
“The requirements for investors to come in completely put our systems in the shade. Whereas some permits take – well I’m sure you will recognize the – when I describe them, there are some permits that take 36 months to complete. Whereas you go to Thailand, you go to Indonesia, you go to Vietnam, they take two weeks to complete,” ayon sa Pangulo.
Binigyang-diin pa ni Pangulong Marcos sa kanyang EO na mayroong pangangailangan na tiyakin na ang regulatory environment ng bansa ay “conducive to business operations to encourage investors to engage in strategic investments.”
“Consistent with the Eight-Point Agenda of the Administration and as part of the continuing efforts of implementing ease of doing business reforms, it is imperative to adopt measures that will expedite transactions with the government,” ang nakasaad sa EO.
Samantala, dapat na magtatag ang Department of Trade and Industry-Board of Investments (DTI-BOI) ng isang One-Stop-Action-Center for Strategic Investments (OSAC-SI), na magsisilbi bilang “single point of entry” para sa lahat ng proyekto na kuwalipikado bilang strategic investments, sa loob ng anim na buwan mula nang ilunsad ang pinakabagong kautusan ng Pangulo.
Ang EO ani Pascual ay ipinalabas upang sa gayon ay mas maging maagap sa pagtugon sa pasakit na dinaranas ng mga investors kapag magtatayo o magbubukas ng negosyo sa bansa.
Layon ng EO “to expedite, streamline and automate government approval and registration processes for priority investments or strategic investments.”
Tinuran pa ni Pascual na ang SunAsia Energy ang unang nakatanggap ng certificate of endorsement para sa green lanes.
Aniya, kailangan na magtatag ang SunAsia Energy ng floating solar panels sa Laguna Lake para makapag-produce ng 1.3 GW power. Kris Jose