Bus, tumagilid sa Oriental Mindoro, 12 katao, sugatan

Bus, tumagilid sa Oriental Mindoro, 12 katao, sugatan

December 29, 2019 @ 9:47 AM 7 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Oriental Mindoro, Philippines – Tumagilid ang isang pampasaherong bus sa bayan ng Socorro, Oriental Mindoro at sugatan ang 12 na sakay ng nasabing bus.

Mula Roxas Port aang Elms Bus at may sakay na 24 na katao papuntang Calapan City port nang maganap ang aksidente, ayon sa MIMAROPA Police.

Agad namang sinugod sa ospital ang mga sugatang pasahero sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City.

Nagkamali umano sa kanyang kalkulasyon ang bus driver na si Marcelio Reyes nang dumating sa zigzag road kung kaya’t nawalan siya ng kontrol hanggang sa tumagilid ito.

Hindi naman nasaktan ang driver at hawak na siya ng awtoridad.

Kakabigay lang ng special permit ngayong holiday ang nasabing bus para sa rutang Iloilo -Batangas – Calapan – Roxas – Caticlan. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...