Business ops guidelines sa ilalim ng MECQ, inilabas na sa P’que

Business ops guidelines sa ilalim ng MECQ, inilabas na sa P’que

May 17, 2020 @ 1:21 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nagpalabas ng isang kautusan na naglalaman ng interim guidelines si Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez para sa mga establishimento na pinayagan na ng lungsod na makapag-operate ng kanilang mga negosyo sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na nagsimula kahapon Mayo 16 hanggang Mayo 31.

Ang layunin ng kautusan na ipinalabas ni Olivarez ay mga alituntunin upang mapabagal, kung hindi man agad na mapigil, ang panghahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng pagpayag ng lokal na pamahalaan na makapag-operate ang mga establisihimento ng kanilang mga negosyo na may limitasyon na kapasidad na sumusunod sa safety protocol at social distancing.

Sa pahayag ni Atty. Melanie Malaya, hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), nais ni Olivarez na isailalim muna ang mga empleyado na nagtatrabaho sa mga establisimiyento sa COVID-19 test sa isang ttesting center o facility na accredited ng Deparmtent ofHealth (DoH) o ng City Health Office (CHO) bago pa man mag-umpisa ang mga ito sa kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Malaya, kailangan din ng patuloy na pagmo-monitor ng employer sa kanilang mga empleyado at kanilang siguruhin na may kopya silang hawak ng resulta ng naturang test para sa inspekyon na isinasagawa ng safety officer ng CHO.

Ayon pa sa hepe ng BPLO, ang mga establisimento na hindi susunod sa naturang kautusan ay mahaharap sa pagsuspindi ng operasyon sa kanilang negosyo o dili kaya ay kanselasyon ng kanilang sanitation permit na may kaakibat din na kasong kriminal at administratibo na nakapaloob sa naturang ordinansa, panuntunan, regulasyon at batas.

Inisa-isang inilahad ni Olivarez ang mga alituntunin na nararapat na sundin ng mga business establishments sa lugnsod habang nasa ilalim ng MECQ ang buong Metro Manila.

Ang mga interim guidelines sa kautusan ni Olivarez ay ang pagsunod sa health protocol ng DoH at ng CHO kabilang ang sanitation station mga opisina at pasukan ng mga lugar ng pinagtatrabahuhan, paglalagay ng medical occupational health services, pagde-decontaminate o paglilinis ng mga nakakapinsalang elemento sa mgalugar na pinagtatrabahuhan, at iba pa.

Sa mga lugar na pinagtatrabahuhan kung saan mataas ang risk ng panghahawa tulad ng mga health care at frontliner workers, sinabi ni Olivarez na kinakailangan ng mga ito ng karagdagang pag-iingat sa pamamagitan ng paggamit ng personal protective equipment o PPE.

Inatasan din ni Olivarez ang BPLO at ang CHO sa pagmo-monitor gayundin ang pag-inspeksyon sa mga business establishments kungg sumusunod ang mga ito sa mga alituntunin ng lungsod.

Ang mga barangay naman, ayon pa rink ay Olivarez, ay kanyang binigyan ng basbas na mag-inspect din sa mga establisimento sa kanilang mga lugar na nasasakupan kung mayroon o wala ang mga ito ng ipinagkakaloob ng CHO na rapid test clearance.

Kabilang din sa ibinigay na basbas ni Olivarez sa mga barangay sa pag-inspeksyon sa mga establisimento ay ang pagpapa-iral ng social distancing, pagpapanatili na laging may nakahandang hand sanitizers at alcohol sa loob ng establisimento at ang pagsusuot ng face mask.

Ang mga paglabag ng establisimento na madisdiskubre ng mga opisyales ng barangay sa kanilang nasasakupan ay kanilang dapat na i-endorso sa BPLO para sa kaukulang disposisyon.

Pagtatapos ni Olivarez, hindi na kailangan pang magkaroon ng clearance na manggagaling sa CHO para makapagsimula sila sa kanilang operasyon sa pagpapatakbo ng negosyo at binibigyan din ng alkalde ang mga ito ng pitong araw upang maipasagawa ang rapid COVID screening test sa kanilang mga empleyado. (James I. Catapusan)

Share

Comment (1)

  • Buboy Sta.ana Reply

    Good evening Mayor ELO, I’ve been a follower of this site, and it’s good to see the active charity work of your team to help the many affected of the pandemic, but we were unfortunate that we belong to those who were “neglected” or disregarded to avail the SAP of dswd, we are a ‘no work no pay’ taxpayer and we were not able to avail the CAMP benefit of dole due to some reason that our company was disapproved for the said assistance, for your information, thank you

    May 17, 2020 at 9:24 pm

Leave a Reply

Loading...