Home HOME BANNER STORY Byaheng Pinas-Israel sinuspinde; 7 Pinoy nawawala

Byaheng Pinas-Israel sinuspinde; 7 Pinoy nawawala

MANILA, Philippines – Inunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes na ang paglalakbay sa Israel ay ipinagpaliban “indefinitely” o walang katiyakan kung kailan maibabalik habang papasok na sa ikatlong araw ang digmaan sa pagitan ng pwersa ng Israel at ng Hamas group.

Sa pinakahuling pahayag nito na ipinadala pasado alas-6 ng gabi ng Lunes, sinabi ng DFA na tumaas din mula anim hanggang pito ang bilang ng mga Pilipinong nawawala mula nang magsimula ang sigalot.

“Seven remain unaccounted for and cannot be contacted via their mobile numbers and social media accounts,” ani DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza.

“The Philippine Embassy (in Israel) is working non-stop with Israeli security authorities and community contacts to ascertain their condition. We continue to await feedback from them,” pagsisiguro naman ng opisyal.

Kabilang sa mga nawawala ay isang lalaking Pilipino na ang asawa ay nauna nang nakipag-ugnayan sa Philippines Embassy sa Israel at sinabing nakilala niya ito sa isang video na kumakalat sa social media kung saan makikita ang isang lalaki na hawak ng mga armadong indibidwal.

“(The Embassy) cannot independently verify his identity based on the video alone but considers the report of the wife as compelling. The Embassy is also working with community contacts on his case,” ani Daza.

Sinabi ni Daza na mayroong inisyal na 29 na Pilipino ang naiulat na nawawala ngunit 22 na ang nailigtas ng mga pwersang panseguridad ng Israel, inilipat sa isang mas ligtas na lugar, at ngayon ay nasa mga hotel.

Maaring makipag-ugnayan ang mga Filipino na maaaring mangailangan ng tulong sa Embahada sa ATN Hotlines: +962-7-7907-7775 at 7-7907-7778.

Nagdeklara ang Israel ng state of war at binomba ang Gaza matapos magsagawa ng sorpresang pag-atake ang grupong Hamas noong Sabado. RNT

Previous articleBODY CAMS PARA SA AIRPORT INSPECTORS
Next articleCALOOCAN PEACE COUNCIL GETS PERFECT AUDIT RATING