Home NATIONWIDE Byaheng US ni PBBM pagtitibayin sa Abril

Byaheng US ni PBBM pagtitibayin sa Abril

MANILA, Philippines – Sinabi ng PH top diplomat sa Estados Unidos Jose Manuel Romualdez na ang nakaplanong pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Joe Biden sa Washington ngayong taon ay maaaring pagtibayin sa susunod na buwan.

Dagdag pa ng opisyal na bukod sa nakatakdang pagdalo ng Pangulo sa Asia Pacific Economic Cooperation sa California sa Nobyembre, patuloy na nagsusumikap ang Maynila para sa isang posibleng standalone na pagbisita sa Washington DC.

ā€œWe are looking at schedules,ā€ ani Romualdez kung saan posibleng ito ay maging isang state o official visit. ā€œThe difficult thing is to schedule both presidents that will obviously be in sync,” dagdag pa niya.

ā€œPresident Biden has indicated that he definitely would like to see President Marcos come to Washington DC and President Marcos said that he would definitely would like to go to Washington. Now it’s a question of identifying the dates. Hopefully within the next month or so we’ll be able to identify the dates when President Marcos would be able to come to Washington DC for an official or state visit.ā€

Inaasahang sa pagbisita ni Marcos ang muling pagpapatibay ng ugnayan sa US. Kung magpapatuloy ang US state visit, ito ang magiging una para sa isang pinuno ng Pilipinas sa loob ng 19 na taon kung saan ang huling bumisita rito ay siĀ dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2003, habang si dating Pangulong Benigno Aquino III ay naroon para sa isang opisyal na pagbisita noong 2012.

Bukod sa pagpapalakas ng kooperasyon sa depensa at seguridad, sinabi ni Romualdez na ang pagtaas ng pamumuhunan ng mga Amerikano sa bansa ang magiging pangunahing prayoridad ni Marcos. RNT

Previous articleSuplay ng tubig sa Pinas kakapusin sa El NiƱo – NWRB
Next articlePinakagrabeng epekto ng COVID tapos na – mayorya ng Pinoy