Home NATIONWIDE CA driver na nasangkot sa road rage, pinarusahan ng SC

CA driver na nasangkot sa road rage, pinarusahan ng SC

MANILA, Philippines – Pinagmulta ng Supreme Court ang drayber ni Court of Appeals Associate Justice Carlito B. Calpatura na inireklamo dahil sa insidente ng road rage.

Iniutos ng SC Court En Banc kay Gerardo C. Manganaan na magbayad ng ₱35,100.00 bilang multa matapos mapatunayang guilty sa kasong Vulgar at Unbecoming Conduct and Simple Misconduct.

Si Manganaan ay inireklamo ni Sgt. Rex D. Gagelonia noong Abril 27, 2022 kaugnay sa pagpilit nito na sumingit sa convoy ng National Defense College of the Philippines.

Nagalit si Manganaan kay Sgt. Gagelonia kung bakit hindi siya pinagbigyan na dumaan lalo pa at dala niya ang government vehicle.

Lumala ang insidente nang duruin at sigawan nito si Gagelonia.

Ayon sa SC, nagkulang si Manganaan sa
standard na inaasahan sa isang court employee.

“Court employees have been enjoined to adhere to the exacting standards of morality and decency in order to preserve the judiciary’s good name and standing as a true temple of justice. The acts of Manganaan demonstrated arrogance, which is unbecoming of a public servant, tantamount to Simple Misconduct.”

Nagbabala rin ang Court En Banc ng mas mabigat na parusa laban sa drayber ng CA justice kung mauulit ang insidente. Teresa Tavares

Previous articleDOLE, BI lumagda sa data sharing agreement
Next article2 tiklo sa human trafficking