Home HOME BANNER STORY CAAP: Mga paliparan heightened alert sa holiday season

CAAP: Mga paliparan heightened alert sa holiday season

MANILA, Philippines – Naka-heightened alert na ang mga paliparan na pinangangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa inaasahang bugso ng mga pasahero ngayong holiday season.

Sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2023″ ng Department of Transportation, mas pinaigting ang pagpapatupad ng security measures at karagdagang deployment ng mga tauhan at security personnel sa lahat ng 12 area centers ng CAAP airports mula Disyembre 15, 2023 hanggang Enero 3, 2024.

Magpapapakalat din ng mga tauhan ang Office of Transportation Security (OTS) at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), mga “areas of concern to ensure smooth passenger flow while strictly implementing security and public safety protocols.”

Nakaposisyon naman ang Malasakit Help Desks sa passenger arrival at departure areas para tulungan ang mga pasahero at sumagot ng mga katanungan ng mga ito.

Noong Disyembre 2022, dumagsa ang mahigit 2 milyong domestic at international passengers sa mga paliparan ng CAAP, o kabuuang 20.5 milyon pasahero para sa 2022. RNT/JGC

Previous articleRonaldo Valdez, pumanaw na!
Next articleSahod ng kasambahay sa NCR, Caraga tataasan!