MANILA, Philippines- Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Huwebes na nag-isyu ito ng ilang notices to airmen (NOTAM) kaugnay ng satellite launch ng North Korea.
Epektibo ang NOTAM kaninang alas-7:45 ng umaga hanggang alas-8:15 ng umaga sa September 1, 2023 (Philippine time).
Base sa CAAP, ang NOTAM “provides information about the time period during which North Korea will be conducting satellite launching activities in specific geographical coordinates.”
Inihayag pa ng CAAP na pansamantalang isinara ang ilang area navigation route segments dahil sa aktibidad ng North Korea.
Nagbigay din ng alternatibong ruta para sa aircraft navigation sa nasabing period, dagdag nito.
Batay sa militar ng South Korea, iniulat ng Reuters noong Biyernes na naglunsad ang North Korea ng tila isang space rocket, sa ikalawang pagtatangka ng North ngayong taon matapos pumalpak ang paglulunsad nito noong Mayo.
Dahil dito, naglabas sa Japan ng emergency warning sa J-alert broadcasting system, na nag-abiso sa mga residente ng southernmost prefecture ng Okinawa na huwag lumabas ng tahanan.
Inihayag ng Pyongyang na kailangan nito ng military reconnaissance satellite upang paigtingin ang pagbabantay sa US military activities. RNT/SA