Home METRO CAFGU pinagbabaril-patay sa loob ng iskul

CAFGU pinagbabaril-patay sa loob ng iskul

PIKIT, North Cotabato – Patay ang isang militia matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki sa loob ng isang pampublikong paaralan sa Barangay Ginatilan nitong Miyerkules, Nobyembre 29 ng umaga, ayon sa pulisya.

Kinilala ni Maj. Arvin John Cambang, hepe ng Pikit municipal police, ang biktima na si John Rey Cabuga, 21, Grade 11 student ng Datu Dalandag National High School annex at aktibong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa lugar.

“Siya ay isang miyembro ng CAFGU, at mayroon kaming impormasyon na siya ay isang mag-aaral din ng paaralan,” ani Cambang tungkol sa biktima na binaril bandang 11 a.m.

Aniya, ang biktima at ang kanyang mga kasama ay gumagawa ng repair sa loob ng school campus malapit sa covered court-cum-classroom nang inatake ng isa sa dalawang gunmen.

Agad na nagpulasan ang mga armado papatakas sakay ng motorsiklo matapos ang insidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya. Santi Celario

Previous articleNTF-ELCAC ‘di bubuwagin sa kabila ng hirit ng NDFP
Next articleWala pang ceasefire: PH Army tuloy sa paglansag sa mga rebelde